Kung katulad ka ng ibang kabataan, marahil sa ngayon ay nahuhumaling ka na din sa pagtetext, pakikipagchat at pag-uupload ng imahe at “video” sa isang social website .Maaari kang maka-ipon ng maraming “kaibigan” kahit sa totoo lang ay di mo kilala ng personal ang ilan sa mga iyon. Habang dumadami ang iyong “kaibigan” ay lalo kang nahuhumaling dito . Mas “na-ththrill” at na “e-excite” ka , kumbaga. At dahil sa kagustuhan mo na dumami pa ang iyong kaibigan, “add-dito,add-doon” ka lang at di mo na pinapansin kung sinu-sino nab a ang iyong mga nagiging kaibigan. Oo, maaaring dumadami nga ang iyong “kaibigan”, subalit tandaan mo, hindi lang simpleng pangalan o numero mo ang nakadisplay sa screen nila, maaaring buong pagkatao mo na pala ang nakikita nila. Kaakibat ng mga pangyayaring ito ang “cyberbullying”.
Ang Cyberbullying ay ang paggamit ng teknolohiya upang ipahiya , takutin at saktan ang isang tao. Maaari itong mangyari sa pamamagitan ng mobile phone at social networking sites. Isang magandang halimbawa nito ay ang sikat na sikat na Facebook. Halimbawa ng cyberbullying ang sumusunod:
· pagpapadala ng mga mensa na nananakot o nagbibigay babala
· pagpapakalat ng isang artikulong walang katotohanan tungkol sa isang tao
· pagbabanta sa pamamagitan ng text/chat at
· pagpapakalat ng isang pribadong litrato ng ibang tao sa pamamagitan ng kompyuter o maging
mobile phone
· paninira sa ibang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang teknolohiya
Ang mga halimbawa ng cyberbullying ay maaaring mangyari sa lahat. Wala itong sinasanto at pinapalampas.Karaniwang biktima nito ay ang mga taong mahilig maglagay ng mga pribadong impormasyon nila sa social networking sites. Maaari din itong mangyari kapag pinamimigay mo ang iyong number sa mga taong hindi mo kakilala. May pagkakataon din na mangyari ito sa iyo kapag nag-“aapprove” ka ng friend requests mula sa mga taong di mo lubusang kilala.At kapag nangyari ang cyberbullying sa isang tao, maaaring makaapekto ito ng malaki sa kanyang pagkatao. Maaaring mawalan siya ng tiwala sa sarili at bumaba din ang tingin niya sa sarili niya. Maaari din niyang isipin na hindi na siya kabilang sa grupo o pangkat na kanyang kinabibilangan. Isa sa pinakamalala na gawin niya ay isipin na magpakamatay (suicide thoughts) dahil sa kahihiyan na natamo niya.
Ang cyberbullying ay isa na sa mga patok na usapan sa mundo ng teknolohiya. Ito ay isa lang masamang dulot ng patuloy na pag-unlad ng ating teknolohiya. Isa itong maliit na bagay na maaaring mapunta sa seryosong usapan. Upang makaiwas dito, mag-ingat tayo sa pamimigay n gating numero at pakikipagkilala sa mga taong di natin nakakasalamuha. Wag nating hayaan na masira an gating pagkatao sa ating kapabayaan. PAG-IINGAT. Yan ang susi upang maiwasan na natin ang patok na patok na usapan na cyberbullying.
Sources:
